Nilimot Mo Na Ba?
17/03/2009 20:53
Nilimot mo na ba
Noon lagi tayong magkasama
Walang pakialam sa iba
Lagi tayong Masaya
At magkatulungan pa tayong dalawa
Ngunit lumipas na iyon
Isang alaala na lamang
Ngunit alaala na nga lamang ay nilimot mo pa
Nasaan na ang mga pangako mo?
Nasaan na ang mga salitang ako ay iyong kayamanan?
Tinawag mo pa akong pinakamamahal mong kaibigan?
Ngunit ikaw ba ay nasaan?
Nilimot nab a ang kasiyahang ating pinagsaluhan?
Ang ganda na ating pinagsamahan?
Nilimot mo na ba?
-Sha, September 16, 1993