
Pag-ibig Kong Walang Katugon
17/03/2009 20:50
Pag-ibig kong walang katugon
O kaysarap pagmasdan ng maamo mong mukha
Ako ay nabighani sa ngiti mong kaysigla
Mga sulyap na kaagad ko ring binabawi
Nangangambang ako’y agad mong mahuli
Ako’y nangangarap na pagtuunan mo ng pansin
Ngunit ako ay malayo sa iyong paningin
Kung kaya’t ako ay nasasaktan ng lihim
Masaklap ang karanasan kong ito sa iyo
At dahil doon ayoko ko ng mangarap pang muli
Pilit ko na lamang lilimutin ang pag-iig na itong walang katugon
-Sha, September 16, 1993